Font Size
Isaias 59:9-11
Ang Biblia (1978)
Isaias 59:9-11
Ang Biblia (1978)
9 Kaya't ang kahatulan ay malayo sa amin, o umaabot man sa amin ang katuwiran: (A)kami'y nagsisihanap ng liwanag, nguni't narito, kadiliman; ng kaliwanagan, nguni't nagsisilakad kami sa kadiliman.
10 Kami'y nagsisikapa sa bakod na (B)parang bulag, oo, kami'y nagsisikapa na gaya nila na walang mga mata: kami'y nangatitisod sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi; sa gitna ng mga malakas, kami'y parang mga patay.
11 Kaming lahat ay nagsisiungol na parang mga oso, at (C)lubhang dumadaing na parang mga kalapati: kami'y nagsisihanap ng kahatulan, nguni't wala; ng kaligtasan, nguni't malayo sa amin.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978